Sweet 10: Kapuso

  1. Goodluck Enzo Pineda ngayong Kapamilya ka na! Mabait ang bata yan. Maski nong nasa GMA pa ko sya mismo ang kusang lalapit sakin para bumati.

  2. Isa pa si Barbie Forteza. Kahit sa parlor lalapitan pa ako just to say hi. Ang husay nya mag Kris sa Sunday Pinasaya.

  3. Happy naman ako at pinayagan na mag promote si Dingdong Dantes sa GMA ng Unmarried Wife na movie nya sa Star Cinema. Tama naman, pag nag blockbuster ang movie its Dingdong’s gain. E exclusive sya sa GMA so damay din ang Kapuso network.

  4. Naalala ko nong nagpromote ako ng “Moron 5 and the Crying Lady” sa Showbiz Central noon. Pinayagan ako kasi Viva Films naman at nakiusap talaga ako kasi isa ako sa mga leads. Wag ko daw banggitin ang name ni Luis at Billy kasi mga taga ABS sila. Nge! In fairness pinayagan naman nila ako mag guest sa ASAP to promote. Ayun, blockbuster ang “Moron 5 and The Crying Lady” at nag win ako ulit ng Best Comedy Actor sa Guillermo Mendoza Awards.

  5. I miss my Showbiz Central Family. Sa viber na lang kami naguusap-usap. Napaka bait sakin ng grupo na yan. Alam ko ginawa nila ang lahat para lang hindi ako mawalan ng show sa GMA. Sila ang dahilan kung bakit naging masaya at magaan ang almost 7 years ko sa Kapuso network.

  6. Sa mga nagtatanong, yes! Giniguest ako sa Sunday Pinasaya at Dear Uge but may ruling sa ABS na pag may regular show ka (even without contract) need mo magpaalam muna. Nagpaalam naman kami (c/o my management Star Magic) yun lang, di ako pinayagan. Sensya na po. Until next year pa ang Doble Kara!

  7. I attended the opening of the Dog Cafè of Kapuso Director, Direk Don Michael Perez. Dating syang writer ng MMK sa ABS kaya friends pa din kami until now. Katabi ng Dog Cafè nya ay Cat Cafè naman for feline lovers. Nasa may Araneta Center Cubao. Go!

  8. Nakita ko doon si Bea Binene at Joyce Ching lumapit sila sa akin at nagbeso. Magalang ang mga batang ito. May ibang Kapamilya teens na nadadaanan ka na lang. Hay…

  9. I have close friends na artista, director at staff sa GMA. As in kumare, kumpare at sister. Miss them all. Mas malaki talent fee ko sa GMA keysa sa ABS.

  10. My transfer from ABS to GMA in 2006 was the 2nd wave of my career kaya Im very grateful. Laos ako noon at madaming utang. Sa almost 7 years ko sa Kapuso Network I was avail to buy my own townhouse. Salamat Kapuso! I am now on the 3rd wave of my career. Sana mag ala Pusa ako!

Leave a Reply

Your email address will not be published.