Sweet 10: Plastik!

Sikat na sikat ang word na “plastik” sa araw-araw nating life. Eto yung tao na iba ang pinapakita/ginagawa/sinasabi sa ibang tao kumpara sa tunay nyang nararamdaman. After 23 years in the biz at 43 years sa life, Ive realized may 10 pang klase ng tao na makikita sa araw-araw. Na–experience, nakita, na-meet, naging friend ko na ang iba dito (at oo naman nagawa ko na ang iba dyan). Be informed!

  1. Showbiz – hindi porke “showbiz” e plastik na. Minsan sincere naman sila sa kanilang sinasabi or pinapakita pero medyo OA lang to please a certain person. From 8 gagawin nilang 10 ang energy level nila to the point na galing na sa ilong ang boses at hindi na kumukurap ang mata. Mahilig silang mag beso-beso. Kadalasan nila itong ginagawa sa boss nila or kahit sinong tao na gusto nilang mahuli ang good side or gusto nilang maging kaclose.
  2. Sipsep – eto mas malala. Kasi Minsan imbento na ang sinasabi para lang makapag please ng ibang tao. Ang mga sipsep ay kadalasang nangpupuri ng ibang tao na may pakinabang sila. “Ang payat mo ngayon!” e pucha lalong tumaba yung sinabihan. May interior motives ang mga sipsep. Sa work para mapromote or sa barkadahan para malibre.
  3. Instigator – victim ako nito recently. May FB post ako na sinabi ng isang instigator sa ibang tao na parinig ko daw yon sa taong yon. Hindi ko FB friend ang taong yon kaya sure akong isa sa FB friends ko ang gagong instigator. Maliban sa gusto nyang mabwiset ang taong sinabihan nya, bet na bet din nya na mag away kami ng taong yon. Diba demonyo? Mapanglikha ng away!
  4. Taklesa – minsan parang gag reflex lang daw ito. Hindi nila sinasadya pero nasasabi nila ang mga bagay na hindi nila dapat sinasabi. But feeling ko either hindi sila nagiisip mabuti (madaldal kasi/nauuna ang bibig sa utak) or minsan sinasadya na. Ang ending may nasasaktan at may nagaaway. Bisyo na ito para sa mga taklesa kaya mag ingat pag sila ang kausap. Or better wag na sila kausapin.
  5. Chismosa – Minsan totoo pero kadalasan imbento ang mga maririnig mo sa mga chismosa. Kaya nga “chismis”. Sila yung tipong hindi mo naman tinatanong pero biglang magkukwento tungkol sa iba. Wag na wag kang sasagot kasi baka sabihin nya na sayo nanggaling ang chismis. Bisyo na nila ang pag usapan ang ibang tao dahil wala silang magawa or para hindi sila ang pagchismisan.
  6. Feeling – mataas ang Superiority Complex ng mga taong ito. Minsan totoo naman ang mga achievements nila sa buhay, ang masama lang ay “feel na feel” nya ito kaya bawal maagaw, mabawi or mawala. May iba lang na “Feeling” na wala pa naman naaachieve e napaka yabang na. Yung 5 lang ang nagawa pero sasabihin (ng paulit-ulit) na 10. Hindi naman maganda pero kung makaasta akala mo beauty queen. Wag na wag mo silang kantiin at makakarinig ka talaga or dadamputin ka sa pancitan. Kadalasang may alipores ang mga ito to satisfy their “feelings”.
  7. La Traydora – pailalim tumira ang mga ito kaya beware. Mahirap silang basahin unlike ang mga nauna. Minsan katabi mo na. Mag ingat! Minsan maganda ding ugali ang hindi agad nagtitiwala sa iba. Ang masaklap at malungkot lang, may mga kaclose kang magiging La Traydora!
  8. Echuserang Frog – may kilalang ganitong tao sa showbiz. Lahat ng tao inechos na. Pinangakuan ng kung ano-ano. Aayusin ang US Visa, papadalan ng pasalubong, gagawing sikat, ipapakilala sa sikat pero lahat ay isang malaking echos! Wag magpavictim. Makabubuting pagtawanan na lamang sila o kaya sampalin para mahimasmasan!
  9. Ms. Friendship – madalas mapagkamalang showbiz or echuserang frog ang mga ito pero natural lang talaga silang mapagkaibigan. May tendency lang sila magtampo kapag hindi mo tinapatan ang friendship na binibigay nya or worst ayaw mo sya maging friend. Ang delikado sa mga Miss Friendship, may tendency sila maging Clueless.
  10. Clueless – mga taong wala talagang alam sa mga nangyayari sa paligid nya. Kadalasang walang malisya sa kapwa kaya napagkakamalang bobo. Busilak naman ang kanilang mga puso ngunit ang delikado, pag nagtanong sila e kadalasang may nabubuking. Unlike si taklesa, wala talagang malisya ang pagtatanong ng mga taong clueless. Hindi lang talaga nila alam. May ilang clueless ang makakabasa nito at magtatanong sa katabi ng “ano daw?”.

Leave a Reply

Your email address will not be published.