Sweet, lugi sa dyowa

‘May bayad nang emosyon, may bayad pang cash!’

“PARANG it’s a TIE!” ang unang sagot ni John ‘Sweet’ Lapus sa tanong kung saan mas mara­ming tagong bading, sa ABS-CBN o sa GMA.

Pero dahil lumipat na ang co-star niya sa Working Beks na si Prince Stefan sa ABS-CBN mula sa GMA, ang sabi ni Sweet ay mas lamang na ang ­Kapamilya network.

At kung isasama pa raw pati singers na tagong bading ay mas lalong lamang ang ABS.

Sa totoong buhay ay maraming kilala si Sweet na ganu’n, pero karamihan sa mga ito ay mababait kaya mabait din siya sa mga ito.

Maliban lang doon sa isang pamhintang aktor na nagmaldito yata kay Sweet kaya irita siya rito at parang natuwa siya nu’ng may lumabas itong scandal photo.

Breadwinner ng pamil­ya ang role ni Sweet na si Gorgeous sa pink comedy film ng Viva Films, kaya maraming beks ang makaka-relate sa karakter niya.

Busy si Gorgeous sa work at walang lovelife, parang si Sweet sa totoong buhay dahil hindi na raw siya nagdyodyowa.

“Lugi ako, eh. Kasi, ‘pag may dyowa ka, may bayad nang emosyon,­ may bayad pang cash. So, huwag nang magdyowa,” dayalog ni Sweet, na ­quota na raw sa mga lalaki.

10 years na ang huli niyang boyfriend. Masa-masahe na lang daw siya ngayon.
Meron siyang dala­wang regular na masahista at dalawang secret (serbis, ganern?!).

Para huwag siyang magsawa ay alternate ‘yung apat. Matanda na siya, so kung dati ay almost eve­ryday o every other day siyang may dyug, ngayon ay hindi na.

‘Pag pagod lang siya sa dami ng trabaho at gusto niyang mag-distress. Tine-text niya ‘yung boys niya, tapos ay pinupuntahan siya.

Minsan ay nagkakasabay-sabay pa.

Inspired ng Working Girls ni Ishmael Bernal ang Working Beks na dinirek ni Chris Martinez.

Nu’ng ginagawa nila ang movie, na-realize ni Sweet na walang baklang tambay, lahat ay may trabaho.

Sey niya, may baklang bugaw, may baklang snatcher. At least ay may trabaho pa rin.

Aniya, importante ang trabaho para sa mga bakla dahil ito ang bumubuhay sa pamilya at sa dyowa.

Para sa maraming bading, ‘pag walang datung ang ibig sabihin ay wala ring boyfriend. Kaya work kete work ang mga beks.

Sa November 23 ang showing ng Wor­king Beks.

Leave a Reply

Your email address will not be published.