Sweet 10: Ms. Universe 1994

Sweet 10: Ms. Universe 1994 johnlapus-com-bb-abs-cbn-1994

  1. Staff ako sa Ms. Universe 1994 as a video researcher. Isa ako sa nagcocompile ng lahat ng video coverage for abs-cbn. 1 year pa lang akong production staff noon.
  2. Laging nakahat si Ms. Venezuela, Minorka Mercado pag may labas sila. Sa actual pageant ko na lang nakita ang ulo nya. Baklain si Minorka. Mas lively ang pag sabi nya ng “Ola” pag mga bakla ang babati sa kanya! Mahusay.
  3. “Dark Horse” talaga si Ms. India, Sushmita Sen that year. May pot money kaming mga staff na almost 15k, si Roxy Liquigan (Star Music Boss ngayon) ang nakakuha kasi sya lang ang may Ms. India sa listahan nya.
  4. Kinokorek ni Sushmita ang mga tao pag mali ang pronunciation ng name nya. Sush-mita! Matigas ang “Sush” parang “shoes”.
  5. After sagutin ni Sushmita ang tanong na “What is the essence of being a woman?”, alam na namin na sya ang Ms. U. Si Ms. Colombia, Carolina Gomez, ang bet ko noon. Napahiya ako at ang mga may bet kay Minorka. Sorry Shoesmita, este, Sushmita!
  6. Sa Luneta ginanap ang Filipiniana Night that year. Sa tutok ng Finance Building ako naka assign with our cameraman. Kaloka!
  7. Si Ogie Alcasid ang taga salubong at tourist guide ng mga Ms. U 1994 candidates as Manolo. Ang cute nya. Pero mas nacutetan sa kanya si Ms. Australia.
  8. Napaka husay sumayaw ni Dayanara Torres. Dalawang beses lang nya titignan ang choreography, knows nya na agad. Hanggang sa ASAP when she eventually became one of the original host. Pioneer staff din ako ng ASAP as a Segment Producer.
  9. Totoo ang joke na hinulaan ni Madam Auring na may letter V ang mananalong Ms. Universe 1994. Nang magkita kami after manalo ni Ms. India, Sushmita Sen, tinanong ko sya kung asan ang letter V. Ang sagot nya, “Letter V naman si Ms. India. Vumbay”. Sabay tawa ng Lolo mo. Nagiisa ka Madam Auring!
  10. After the event, nag outing kaming lahat ng staff ng Ms. Universe 1994 sa Subic. To celebrate the success of abs-cbn’s coverage. Doon ginanap ang second Bb. ABS-CBN. 2nd runner-up ako bilang Ms. Mexico, Fabiola Perez Robirosa. Si Roxy Liquigan ulit ang nagwagi bilang si Ms. Mauritius, Viveka Vavaji. Na “Take it, Take it!” nya ang title.

Leave a Reply

Your email address will not be published.