SWEET TIPS: “How to take a 3D pic.”

Birthday ng anak-anakan naming si Schanelle. Kaya sinama ko sila ng apo kong si Dylan sa 3D Museum sa may Cubao. 500 ang entrance sa adults pero may 4 plus 1 promo. 400 naman ang sa students basta magdala lang ng i.d. At wala namang bayad ang 3 ft. pababa. Kaya libre si Dylan at si Mahal kung pupunta sya. Dapat naka medyas kayo ha. Iniiwan ang shoes sa counter bago pumasok.

In fairness sa may pakana nito. Ang ganda ng mga 3D backgrounds. Napaka realistic. 930am to 930pm bukas except Monday kasi close sila. Pero sa true lang, maiikot mo sya ng 1 to 2 hours. Depende kung mahilig kayo sa pictorial at career ang gagawin nyong photo shoot.

Well, dahil realistic ang mga 3D backgrounds e naiisip kong dapat realistic din ang mga posing ko. Kaya eto ang aking mga Sweet Tips kung pano makakuha ng realistic at bonggang 3D pics:


1) Dapat may script kayo sa bawat 3D background na popose kayo. Mas maemote, mas bongga!

 


2) Dapat incharacter palagi. Kung Reyna ka na puputungan ng korona aba dapat mala Reyna din ang acting at script! Pak na pak.

 


3) Makakatulong kung alam mo ang themesong ng isang 3D background. Kantahin mo ito para mamotivate ka lalo sa pag posing at ang mga kasama mo sa picture.

 


4) Pag swak naman sa 3D background ang isang kanta, kantahin mo na din kahit hindi mo memorize ang buong lyrics. Nakakaganda sya talaga ng isang 3D pic. Ayan ang example. “Eye of the Tiger”.

 


5) Makakatulong ang matinding internalization sa isang picture. Hindi porke picture e hindi ka na mageemote. 3D pic yan kaya realistic kahit drawing lang ang background. Kaya todo emote dapat para madala din ang mga kasama sa pic. Ganern!

 


6) Makakatulong din kung kakausapin mo ang 3D background. Kahit hindi sya sumasagot, mas realistic ang labas ng pic. Ngayon kung sumagot e mas bonggang pa yon sa 3D.

 


7) Dapat inspirational ang piliing 3D pic para mainspired din ang mga bata. Grabe nakakakilabot…

 


8) Isama lagi ang mga bata sa eksena. Kahit sila ang bida sa 3D pic dapat naman e mag effort kang umarte para sa ikakaganda ng pic.

 


9) Wag dayain ang emotions pag bata ang kaeksena. Malilito sila. Kung dapat takot ka sa kanila sa pic, takot ka din dapat pag kinunan na. 3D pic nga kasi.

 


10) Napaka hirap dayain ng emotion of “fear” or “takot” sa isang pic. Kaya dapat mag concentrate ka talaga at isipin ang lahat ng nakakatakot na bagay para sayo. Lalo na kung hindi magaling umarte ang kasama mo sa pic. Kaloka si Nikki, hindi na natutong umarte.

 


11) Hindi lang dapat background ang tingin mo sa isang 3D background. Dapat isipin mo na nadon ka talaga sa lugar na yon at kilala mo ang mga kasama mo sa eksena. Very effective! 👏👏👏


12) At lastly, iayon ang suot sa required na 3D background para mas realistic. Walang sirena ang nakadamit. Ayan, tignan nyo ang difference. Mas bongga ang nasa taas na pic diba?

 

I hope marami kayong natutunan dito. So sa mga nagbabalak pumunta sa isa 3D Museum, tandaan, hindi porke picture lang e hindi nyo na aayusin ang inyong posing. Wag magpatalo sa realistic na background. Gawing realistic din ang posing. Might as Well.

Leave a Reply

Your email address will not be published.