United Arab Emirates

Every year or at least every time na may natatapos akong show, nagbabakasyon ako! To Rest, Recharge, Reset, Reinvent, Relax. #RRRRR. Natapos ang Doble Kara after 1 year and 6 months noong February 10. Nangshie deserves a break. Isinasama ko usually ang Personal Assistant at friend kong si Nikki at sumasama naman sa amin ang friend naming si Boyet. Sa malalapit lang kami para mura at yung walang visa (Singapore at Macau) or yung madali lang kumuha ng visa (Shanghai and this year sa UAE).

My Ate Chloe Martinez from Teatro Tomasino reco a Travel Agency that can process our UAE visas. Nakakatawa kasi based sila sa Cagayan de Oro so nagcocomunicate lang kami online at via text. Almost 6,000 pesos for each of us ang UAE VISA (ang Taray level ng Japan). MOST TRAVEL AGENCIES NAGOOFFER NG ACCOMODATION AT AIR FARE PERO SINCE GUSTO NAMING MAKATIPID, NAG ONLINE SEARCH SI BOYET NG CHEAPEST FLIGHT ON-LINE GOING TO DUBAI. ANG ACCOMODATION NAMAN NAMIN AY COURTESY OF MY FRIEND JOHN WHO WORKS IN SHANGRILA. KAYA KUNG MAY FRIEND OR KAMAG ANAK KAYO NA NAGWOWORK SA MGA HOTEL, jackpot kayo pag naavail nila ang kanila employee discount for your stay.

Cebu Pac ang nakita ni Boyet na pinaka murang flight to Dubai. So get na namin yon. Need kasi na may accomodation na at flight details sa application ng UAE visa. Visa approved. Flight confirmed. Accomodation confirmed. Lets go!

February 15 ang flight namin from Manila to Dubai via Cebu Pac. Nagdagdag ako ng 1,000 plus for “preferred seats” kasi all Economy ang Cebu Pac flight going to Dubai. 500 each for 1 set ng food bilang 9 hours ang biyahe. NOTE: May 1,620 Travel Tax kayong babayaran sa airport. Wala pa pala sa ticket yon. Walang tv ang flight ng Cebu Pac kaya magdala kayo ng laptop or ipad na may movie at games. Parang sari-sari store naman ang flight kasi may tindang cup noodles, soft drink at tubig. May tinda din na ulam at kanin tulad nong binayaran naming 500 on line. Pwede pala na sa eroplano mo na bilin habang nasa ere (while supply last). Hindi masyadong narerecline ang seats kaya medyo masakit sa likod. So magdala kayo nong unan na para sa leeg or swerte ka kung wala kang katabi kasi makakahiga ka sa tatlong silya na taba- tabi. Economy eto kaya wag magreklamo. Naintindihan ko na ngayon kung bakit napaka laki ng difference (sa presyo) na magbiyahe ng Economy sa Business Class. Tinulog na lang naming tatlo ang 9 hours na biyahe. Naubusan na din ako ng life sa Farm Heroes at Candy Crush. Gabi na ng February 15 kami dumating sa DUBAI AIRPORT.

Napaka laki ng Dubai Airport. Sa sobrang laki, kailangan pa mag train papunta sa immigration at Arrival Area. May mga Kababayan tayong nagtatrabaho sa airport. Mga taga assist sa pila sa train at immigration. Napaka gandang salubong ang “Ngiti ng Isang Pinay“. Smile lang sa camera ng Immigration Officer pasok na kaming tatlo sa Ms. Dubai 2017. Walang Question and Answer portion. Haha.

Napaka daming Pinoy ang nasa Arrival Area. Inaantay ang mga kaibigan, kamag-anak, asawa at katrabaho. Para akong si Pia Wurtzbach na pinalakpakan at tinatawag nila pag labas ko sa Arrival Gate. Binigyan ko naman sila ng sweet na sweet Flying Kiss. Muah!

Nandon na si John at si Kuya ng Shangrila Dubai para salubongin kami. Wow, Lexus ang service. Talbog! Yun nga lang may bayad. 2008 ako una at huling nagpunta sa Dubai. Work nga lang ‘yon. Nagshow kami ni Tuesday Vargas sa Comedy Junction at ininterview ko na din si Richard Gutierrez at Heart Evangelista para sa Showbiz Central. Nandon sila para sa taping ng Asero. Ang dami ng nabago. Puro building na ang nakikita ko mula sa airport papuntang hotel namin. Dati may natatanaw pa akong disyerto. KAYA NAMAN PALA INDEMAND ANG MGA ARCHITECT AT ENGINEER SA DUBAI. EVERY YEAR MAY SUMUSULPOT NA BUILDING. Sa laki ni Burj Khalifa (Highest Building in the world), kitang-kita na sya from the airport kahit malayo pa. Nong 2008, hindi pa sya tapos at “Burj Dubai” pa ang tawag. Ang chika, naubusan ng pera ang Dubai sa pagpapagawa kaya humingi ng resbak sa Abu Dhabi (na mas mayaman daw sa Dubai). Nagbigay naman si Abu Dhabi pero dapat Burj Khalifa ang tawag. Si Khalifa ang Emir ngayon ng Abu Dhabi at President ng UAE. Abu Dhabi at hindi Dubai ang Capital ng UAE. Nasa tapat mismo ng Sheikh Zayed Road (napaka habang kalye as in hanggang Abu Dhabi na. Pinangalan sa Tatay ni Khalifa na founder ng UAE) ang Shangrila Dubai. Ganda!

Madaming Pinoy ang nagwowork sa Shangrila Dubai. Valet, Doorman, Waiter at Concierge. Si Kuya Renel ang Chief Concierge ng Shang Dubai. Nakakaproud! Bet na bet daw ng Shangrila ang mga Pinoy dahil friendly at magaling mag English. Naman! Nandon din si Mitch sa Front Desk, sya nagbook sa amin, si Lawrence sa Concierge at si Ate Imelda na waitress sa “Brunch” buffet nila. Uso ang brunch sa Dubai (pero 1pm to 3pm), late na sila naglalunch kasi nga nagbibreakfast naman sila. Syempre may kilalang Tour Agency si Kuya Renel. Nabigyan kami ng discount sa Desert Safari trip. Sa sobrang ganda at saya ng stay ko sa Shangrila Dubai e sumulat talaga ako sa Tripadvisor.

Diyos ko napaka saya ng Desert Safari tour na yan. WAG NA WAG NYONG PALALAMPASIN. Bawal lang sa buntis at may sakit sa puso. Ang bongga! Hindi ko alam kung paano nakakadrive si Kuyang Bumbay sa disyerto ng patagilid at mabilis. After ka hilohin e may pasakay naman sa Camel at dinner. May showtime pa si baklitang ikot ng ikot (Tanoura dance from Egypt) at si sister Belly Dancer. Eto ang highlight ng #SweetDubai2017 sa excitement at tawa. Si Boyet kasi minumura sa tagalog si Kuyang Driver at isusumbong daw nya kay Shusmita Sen. Hahaha!!!

Napaka laki ng Dubai Mall. Kaya pala isa sya sa biggest mall in the world. May pagkalaki-laking Aquarium sa gitna. May entrance kung gusto mo pumasok sa loob pero wag na kasi kita naman sa labas. Same lang naman yung mga isda na makikita sa loob at sa labas. Nakakaloka yung Falls na may mga UP Oblation na rebulto na nagdadive. As in Water Falls sa loob ng mall. Hoooo grabeeee!!!! May mga kainan sa labas, doon kayo kumain para katabi nyo lang ang Dancing Fountain. Kaloka! Sumasabay sa tugtog ang lecheng tubig. Panalo! At pag tingala mo, ayun na si Burj Khalifa. Kaloka! Mas nagustuhan ko ang Dubai Mall keysa sa Mall of the Emirates. Pero kung type nyo mag indoor ski e doon kayo pumunta sa MOE. Ski, Snow at Penguins sa loob ng mall. Hoooo sobraaaaaa!!!! Nagtataxi lang kami pag pupunta sa mga mall kasi mas mura keysa sa Metro (MRT ng buong Dubai). Pag malayong biyahe, mas mura daw ang Metro.

Sinundo kami ng friend ni Nikki na si Al papuntang Abu Dhabi. One hour lang pag private car. Diretso lang ang Sheikh Zayed Road, ayun Abu Dhabi na agad. Bumulaga sa amin yung Grand Mosque. Maryosep! Napaka laki. Puting-puti. Nasa gitna pala sya ng Abu Dhabi kaya kita mo kahit nasaan ka. Salamat Al at Joan sa padinner.

Hindi kami nabook ni John sa Shangrila Abu Dhabi kasi fully booked may IDEX (International Defence Exhibition). Doon sila lahat nakacheck-in. Sad. So napunta kami sa pinaka murang hotel na nakita ko sa internet. Al Manzel Hotel & Apartments. Maryosep! May bayad na 35 UAE ang bawat visitor ng mga guest at 3 at a time lang. Sa bwiset ko sumulat din ako sa Tripadvisor. Aba, sinagot ako nong General Manager na keyso bawal daw mag ingay at kesyo may batas daw. Akala yata magpapaFans day ako sa room ko. Che!

Bumawi na lang si John at nagpadinner sa Shangrila Abu Dhabi. Ang sarap ng pagkain! International Cuisine. Italy, USA, Japan, China, Turkey. Kulang na lang Philippines kaya walang adobo. Thanks Raven for accomodating and touring us sa Shang Abu Dhabi. Salamat din sa mga Kababayan natin sa loob ng kitchen at ginawan pa ako ng welcome cake. Im so touched!

Ang ganda ng Grand Mosque (nakapangalan pa din kay Sheikh Zayed, ganon talaga pag ikaw ang founder) sa loob. Bawal lighter, sharp objects at iba pang bagay na bawal din sa eroplano. Ang babae pinagsusuot ng Abaya. Hiwalay ang entrance ng babae sa lalaki. Nakapaa dapat sa loob. May mahabang lagayan ng tsinelas at sapatos bago pumasok. Gold yung ceiling at malala ang mga chandelier. May sariling production number yung mga Chandelier (pasok Sia). May pagkalaki-laking banyo sa basement. Hiwalay ang CR sa hugasan ng paa. Kabogera!!!

Tapos dumaan kami sa Emirates Palace Hotel. Hala ang laki. Sosyal. Katapat nya yung Etihad Towers (Yung building na tinalunan ng Ferrari sa Furious 7). Nagpunta kami doon para makiCR kasi yung CR sa Grand Mosque pailalim yung inodoro (anong twag doon?). At nandon daw ang vendo machine pero imbes na candy at softdrink, gold ang laman. Wow! NakaCR naman kami ng bongga pero wala na ang vendo machine ng gold. Kainis. Bawat sulok may picture ni Sheik Zayed. To the highest level ang respeto sa kanya sa buong UAE. Nong 2004 sya napatay at the age of 86.

Eto na, nag Ferrari World kami. Yehey!!! Ang saya!!! Eto naman ang highlight ng #SweetAbuDhabi2017 kasi nga mahilig ako sa rides. May discount ang mga flight attendants at mga nagwowork sa Hotel at Resto sa Ferrari World (at iba pang Theme Parks). Pasok pa din ang i.d. ni John. Hehe. Agad-agad kami nagFlying Aces ni Nikki. Eto daw ang may largest loop na roller coaster in the world. Eeeeeeeee!!! Boom, natulala si Nikki after. Ako tawa lang ng tawa. Next yung Formula Rossa, the fastest roller coaster in the world. Zzzzzzzzzzooooooommmmm!!!!! Tumayo ang lahat ng buhok ni Nikki. Hahaha. Si Boyet dahil matatakotin sa rides e sinamahan na lang naming sumakay sa tsubibo. Ferraring kotse na maliit tapos mabagal ang andar at may mga paintings ng tourist spot sa Italy. Boring. May iba pa kaming pinasukang rides na may video. Victim sa amoy ng ibang lahi. Grabe hindi yata sila naliligo. Hindi ko na babanggitin kung ano-anong lahi, alam nyo na yon. Ssssshhhh. NOTE: WAG PUMUNTA SA FERRARI WORLD AT IBANG THEME PARKS PAG FRIDAY AT SATURDAY, NAPAKA DAMI DAW TAO.

Yun lang tatlo na yan daw ang Tourist Attraction sa Abu Dhabi. Dubai ang mas madaming pinupuntahan at mga Theme Parks, sa sobrang dami hindi namin napuntahan lahat. Pati yung mga resorts na may mga swimming pools na may giant slides kasi malamig. Kaya sana may mag invite sakin sa Dubai para mapuntahan ko na lahat. 5 Araw na kami sa UAE, naghahanap na ng adobo at sinigang ang katawan namin. Pak! Ilang kandirit lang from our hotel, The Filipino Kitchen Restaurant!!! Yahoooo!!! Adobo at bulalo agad-agad. At sa wakas nakakain kami ng kanin na hindi mahaba (Basmati ang rice sa UAE, ang haba!). Napaka sarappppp!!!!! Sagot-gulaman for drinks. Pictorial sa lahat ng Pinoy Staff kapalit ng discount. I loveeeeee Pinoy Restos abroad. Salamat The Filipino Kitchen.

Pinaghandaan namin ang Cebu Pac flight pauwi ng Pilipinas. Nagpadown load si Boyet ng mga Oscars nominated movies. Binack to back ko ang Lion at Manchester by the Sea. Pinasaya, pinaexcite at pinaiyak ako ng dalawang movies na yan….parang itong trip ko sa UAE.

One for the books itong bakasyon ko sa Dubai at Abu Dhabi. Salamat John Walid, Te Chloe at sa lahat ng nanglibre, nag entertain, nagpakain, nag bigay ng discount, naghatid, nag gupit (si Noui na dating staff ng Hairwatch Salon), nagpasingit sa pila, nagbigay ng regalo, nagpapicture sa akin. Hindi ko kayo makakalimutan. God bless you all mga Kababayan kong OFW sa UAE.

Lastly, sa grupo ng mga Filipinong nasalubong ko na naghahanap ng trabaho. Yung isa expired na daw ang working visa at yung isa naman ay tourist visa lang ang hawak. Buong araw nagiikot sa ibat-ibang establishments at may hawak na more than 20 pieces na resume. Nagbabakasakali at umaasa. Patawarin ninyo ako. Wala po akong magawa. Yakap at picture lang ang naibigay ko sa inyo. Gusto ko kayong abutan ng konting pera pero sabi nyo bawal (Illegal ang mamalimos sa UAE). Iisipin ko kayo palagi at hinding-hindi ko kayo makakalimutan. Alam ko marami dyan ang tulad ninyo. Ipagdadasal ko kayong lahat araw-araw. Sana makahanap na kayo ng trabaho. Alam ko ang pakiramdam at sitwasyon na yan. Wala din akong regular na trabaho ngayon, sabay-sabay tayong maghanap.

6 thoughts on “United Arab Emirates

Leave a Reply

Your email address will not be published.