Sweet 10: Super Friends

Sweet 10: Friendship

Im sure lahat tayo ay may pamantayan kung kailan mo maituturing na “Friend” ang isang tao. Yung iba kasi coworker lang or acquaintance. O eto, pag matanda ka na or matured, maiiba ang pamantayan mo ng “Friendship”. Ngayon nga kaibigan lang sa FB, “friend” na ang tawag. Hindi naman kilala and worst hindi pa namimeet. Mukang tanga! At the age of 43, here is mine: (Let me consider my friends as Superheroes as I return in the Thomasian stage via Teatro Tomasino’s Kapitan Sino)

  1. Super Support: May mga kaibigan akong sinusuportahan ang lahat ng ginagawa ko. Kahit kacheapan or minsan walang kwenta, support pa din sila. I have friends, that like me, started from Teatro Tomasino. Nagagalit sila sakin na until now I invest my time and effort sa theater guild namin nong college. Graduate naman na daw ako at nabayaran ko na ang kung ano mang utang na loob ko sa Teatro Tomasino. But, pag may play ako sumasali pa din sila or nagdodonate ng pera para makatulong.
  2. Fantastic Finder: You will never know true friendship kung hindi mo pa naexperience na may kaibigan kang hinahanapan ka ng trabaho. There is dignity in labor. Like you, I feel weak & hopeless pag wala akong work. Feeling ko wala akong kwentang tao. Lo and behold, may mga kaibigan na kahit hindi ka nakikiusap e hahanapan ka ng trabaho. Alam nila with out asking. Kahit nahihiya sila ilalapit ka nila sa mga tao na makakapagbigay sayo ng work. Ganyan si Direk Jojo Saguin (director of Dear Heart) at ganon din ako sa kanya. Pinagkaiba lang namin, sya nakikiusap, ako nangaaway. Hahaha
  3. Booster the Brave: o eto, Im sure may friend kayo na mega boost sa lahat ng ginagawa nyo or mga bagay na nagaalinlangan kayong gawin. Simple example yung takot kayo sa heights pero habang nasa dulo ka ng cliff bago tumalon sa tubig na almost 10 feet, sya yung sumisigaw ng “Kaya mo yan!”, “Mababaw lang yan!”, “Pikit mo lang mata mo!!”. Ako ang ganyan sa mga kaibigan ko. Malakas kasi loob ko na papunta na sa walang takot!
  4. The Mind Reader: May mga kaibigan ako na sa post ko lang sa FB or sa itsura ko pa lang e alam na ang nasa isip ko. Alam nila kung may pinagdadaanan ako or masaya ako or galit ako. Minsan kahit cryptic na ang post ko aba alam na nila agad. Yan ang friend!
  5. The Whisperer: May nga friend akong alam kung ano ang sasabihin sa akin depende sa mood ko. Alam kung pano ako pakalmahin pag galit ako. Alam kung paano ako pasayahin pag malungkot ako. Salita lang nila nakakaramdam na ako ng calmness, assurance and positive thoughts! Minsan maski text lang or sa messenger. Diba Chris Martinez and Boyet Mariñas?!
  6. Captain Bilib: may mga friends ako na bilib na bilib sa kakayahan ko bilang tao. Sa talent ko, sa ugali ko or minsan kahit sa ganda ko. Gandang ganda sakin ang iba kong friends hehe. Yung iba papunta na sa “fans”. Sobra ko namang naaappreciate kaya in return excuse sila sa okray ko! Haha.
  7. Power Presence: May autophobia ako. Fear of being alone. Lahat ng close friends ko alam yan. Hindi ako nakakatulog ng mag isa or kahit magwatch ng sine by myself. May mga friends akong isang tawag or text lang darating para samahan ako. Minsan iba pa din ang presence pag dating sa friendship. Mga bakla alam nyo na kung sino kayo!
  8. Mega Far: may mga kaibigan akong bihira ko na makita kasi busy or nasa ibang bansa pero damang-dama ko ang presence. Magcocoment or magtitext or minsan video call. Tapos ang perfect ng timing kasi tatawag sila sa oras na kailangan mo ng kausap. Minsan nga tinatanong ko sila ng “Napanaginipan mo ko no?”.
  9. The Prayer Warriors: naku ang dami kong ganitong friends. Makasalanan yata talaga ako or masama ako sa paningin nila kaya madalas akong ipagdasal. Grabe! Ang matindi pa e alam nila kung ano ang ipagdadasal sa akin kahit di ko naman sinasabi. Ang prayer ko naman e sana dinggin ng Diyos ang prayer nila para sakin. Haha
  10. Wonder Twins: Meron ba kayong friend na halos pareho na kayo kumilos, magsalita at magdamit? Yung tinatapos nyo na ang sentence ng bawat isa. Yung tinginan pa lang e alam nyo na ang nasa isip ng isat-isa. Yung napagkakamalan na kayong magkapatid ng ibang tao or akala ng iba e mag jowa kayo. Yun BFF to the max! Ako walang ganito. Iba-iba kasi ang ugali ng mga kaibigan ko! At lalong iba ang ugali ko sa kanila and yet tanggap namin ang isat-isa. Hindi lang kasi isa ang BFF ko. Baka hindi din ako kayanin ng isa lang na Bestfriend. Haha.

Salamat mga Friends! Dyan lang kayo palagi ha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.