WANSAPANATAYM

WANSAPANATAYM

Kung ang MMK may Dimples Romana at Arjo Atayde na madalas guest, ang feeling ko, ako ang kalevel nila sa Wansapanataym. Total of 7 guestings to date. Laban ka?

My first is during the late 90’s starring Kris Aquino as an Alien who eventually saved Earth. Parang babaeng Superman 2 lang ang peg ni Kris. Tatlo din kaming mga kalaban nya na galing sa same planet nya. Hindi ko makakalimutan na si Ms. Cecille Baun herself ang gumawa ng Alien look namin. Pinagamit pa nya sakin ang red contact lens na sinuot daw mismo ng original Zuma. Hindi pa uso noon ang colored contact lens na soft. Presto! Namula na buong mata ko. Mukha na talaga akong Alien. Haha. The very energetic, Direk Ruel Bayani ang director namin. Moral Lesson: Hindi lahat ng Aliens e bad.

Pangalawa is an episode na ako ang bida. Yes, Wansapanataym is the first show on TV that gave me a lead role on tv for the first time. Direk Don Cuaresma directed it. Its about a gay beautician na tinamaan ng magic wand sa ulo, na nahulog sa Fairy Land, ng isang makulit na batang Fairy. Ayun, nagkaAmnesia ang bakla. Inalaagan ako ni Tita Perla Bautista. Nong aksidente kong nagamit ang magic wand, naging akong Fairy! Pak! So si bakla naman nag grant ng wish ng buong baryo. Sinamantala ng taong bayan ang pag tulong ng baklang Fairy. Pati bayad sa utang, kotse at jowa hinihiling. Maryosep! Moral Lesson: Huwag maging greedy!

Ang pang 3rd ko is some kind of a comeback. Maloka kayo, nasa GMA pa ako when Wansapanataym guested me. Entitled “Ilog”. Tungkol sa isang uncle na mahilig magtapon ng basura sa ilog. Ayun, dumikit ang lahat ng basura sa katawan nya. Kakapanalo ko lang ng Best Comedy Actor Award sa Golden Screen Awards at Guillermo Mendoza Awards. Sabi siguro ng Wansapanataym, “Might as Well”. . Directed by Jerome Pobocan. Moral Lesson: Ingatan ang Kalikasan.

My fourth is with Kim Chui entitled “My Fairy Kasambahay”. Its about a lady na mahilig manlait sa mga kasambahay. Ayun, ginawa syang kasambahay ng isang Fairy played by me. Hindi sya makakabalik sa dati nyang life until she learns her lesson. Directed by Jerry Sineneng. Moral Lesson: Dont discriminate others.

Pang lima is “Si Lulu at si Lily Liit” played by Sharlene San Pedro. Directed by Manny Palo. Its about twin sisters na 2 inches lang yung isa. Launching ito ng love team ni Sharlene at Jairus. I played Jairus uncle na naniniwala sa mga dwende at iba pang lamang lupa. Ayun, hinahunting ko si Lily Liit kasi gusto kong yumaman. Moral Lesson: We should do everything for the people we love.

Pang anim is “Puppy Ko si Papi” starring Kathryn Bernardo. Directed by Carlo Artillaga. Hindi nirerespeto ni Kathryn ang tatay nyang si Dominic Ochoa. Pasok ang beauty ko bilang Fairy in a multiple characters role. Magiging aso si Dominic hanggat hindi nagagawa ni Kathryn ang mga nasa listahan na bigay ko sa kanya. Moral Lesson: Respect your parents!

At ang pang pito, “Annika Pintasera” starring The Daytime Drama Queen, Julia Montes. Tungkol ito sa isang babaeng napaka pintasera kaya naman isinumpa sya na mapunta sa loob ng isang painting. Watch nyo every Sunday (starting April 2) night para malaman ang moral lesson. Directed by Darnel Villaflor.

In fairness sa Wansapanataym napaka daming moral lesson na itinuturo sa mga bata. No wonder napaka dami na nilang awards for being a child friendly TV show. Minsan nga kahit matatanda nakakarelate sa mga istorya na pinapakita every week. Kaya naman isa ang Wansapanatayn sa mga favorite TV show ko.

Lahat ng pamangkin ko lumaki sa panonood ng Wansapanataym. Ngayon, pati ang mga apo kong si Dylan at Joy ay suki na din ng Wansa. Kaya lagi kong sinasabi sa mga parents to have their kids watch this show. For sure lalaki ang mga batang ito na may respeto sa matatanda, may pagmamahal sa kalikasan at magiging mabuting tao sa kanyang kapwa.

Kabatch ko sa abs-cbn ang Executive Producer ng Wansa. Si Tyang Brenda na haliga na sa abs-cbn. Ang executive incharge of Creatives na si Rondel ay kasama ko noon sa Showbiz Lingo. Madalas kaming magkapartner sa mga segments. Writer sya, researcher ako. Amin yung mga “Showbiz Look A Likes” at “Showbiz Paikot-ikot na Relasyon” na mga sikat na segments sa Showbiz Lingo noon. The two Executive Incharge of Production are also friends of mine. Si Tita Julie Ann ay Kumare ko sa kanyang bunsong anak na si Baby Oreo who is now an angel. And syempre, Deo Endrinal is my first boss as I started my career in showbiz noong 1993. He still my boss now after almost 24 years since he is the head of Dreamscape Entertainment na lagi akong kinukuha sa kanilang mga soap opera. “Kahit Konting Pagtingin”, “Mirabella” and “Doble Kara” are all Dreamscape produced.

These people literally provides food in my table. Pag wala akong trabaho, I would just text them or message them in FB. Sanay na sila sa “Baka po pwede muna ako mag Wansa” message ko. Yes, ginagalingan ko din naman and after all, award winning actor naman ako ahem ahem (modesty aside). Pero napaka dami namang pwede. Napaka daming magaling. Yung ibang role ko nga sa Wansa pang “babae” and yet sakin pa din binibigay. Pag preprod ng isang new episode, sanay na ang staff na marinig ang “Si John Lapus na yan”. Mind you, Wansa honored my increased rate that I achieved when I was with GMA. Nakakatouched. I will be forever grateful. No wonder laging pasok sa Top 10 ang Wansapanataym sa ratings. Madalas pa nga sila ang number 1 sa weekend Primetime ratings. The show gives moral lessons while the people behind it gives blessings. God bless you all.

Wansapanataym keeps on giving on and off our television screen. Wansapanataym is produced by Cine Media and ABS-CBN.

Moral Lesson: Utang na loob is a virtue!

One thought on “WANSAPANATAYM

Leave a Reply

Your email address will not be published.