Teatro Tomasino @ 40 – Professional Adviser Speech

Teatro Tomasino @ 40, Intramuros Manila

Exactly 40 years ago a small group of Engineering students of UST formed Teatro Tomasino. With the help of Mam Myrna Hilario, Teatros first Faculty, and some theater professionals like Direk Maryo J & the late Soxy Topacio they did their first production “Ang Awit na Di Matapos-tapos”. The rest is history. As we celebrate our 40 years and me being the Professional Adviser in the last 23 years this is my homage to our beloved theater guild. Read on & enjoy.

I have so many first times in Teatro Tomasino.
 
First time ako dito na nainlove. First time ko din dito na heartbroken.
First time kong sinigaw na bakla ako! At first time ko din dito nag muher at sumali sa Ms. Gay!
First time nameet ang aking mga tunay na kaibigan. At sa kanila ko nalaman for the first time na ok lang maging bakla.
First time ko nameet ang aking mga mentors. First time ko namentor at nagmentor.
First time ako dito umarte, nagPM at nagdirek. At for the first time may nagsabi sakin na magaling ako!
First time ko dito nanalo ng award at first time ko din dito naAward! Star of the Night at Bb. Teatro ang pinaka Award!
First time ko nakakita ng kaugali ko at kamukha. Bago si Jet Pangan, kamukha ko muna si Doctor Mark Erick Reyes nong payat pa ako.
First time ko nagnakaw ng damit, make-up at pera sa Nanay ko. 
Kasi dito ko din nadinig for the First time ang “Beg, Borrow or Steal”. Sinunod ko naman!
First time ko naging isang Professional Adviser, 23 years ago!
 
Pero meron ding Realizations!
 
Sa Teatro Tomasino ko narealize ang value ng “Utang na Loob”. Hanggang ngayon ang motto ko sa buhay ay “Utang na Loob is a Virtue”.
At narealize ko na mas matagal pa ang naging relasyon namin ni Teatro Tomasino keysa sa mga ex ko at Tatay ko.
Dito ko narealize na mas magaling akong artista keysa HRM student.
Dito ko narealize at naexperience ang value ng Professionalism. Na hanggang ngayon dala ko.
Dito ko narealize ang pinag kaiba ng okray, sa lait, sa bullying. Naexperience ko lahat yan at oo naman ginawa ko din.
Dito ko narealize na ibang-iba ang point of view ng student sa alumni. Ibang-iba!
Dito ko narealize that maturity comes with age. Kaya pala ang tawag sa matanda ay “matured”
At narealize ko din na ang millenials ay totoo palang entitled. Pwede mag suggest ang mga alumni pero “We’ll get back to you” or “We’ll talk about it” ang sasagot nila. Tama na din yon para kung pumalpak, sila may kasalanan. 
Narealize ko dito, na ang taong taga Teatro, may sayad! Kaya pala ang logo ng theater ay mukang nakasmile at at umiiyak.
At narealize ko, bagay na bagay ako dito dahil napaka tindi ng sayad ko!
 
Madami din akong goodbyes dito sa Teatro Tomasino.
 
Dito ako nag goodbye sa first love ko.
Dito ako nag goodbye sa sarili kong expectations. Hindi porke gusto ko ay mangyayari. Hindi porke gusto ko ay gusto ng iba. Hindi porke gusto ko ay tama. 
Dito ako nag goodbye sa close friend kong si Rochie. Yes dito, nagparehearse pa nga ako sa lamay nya ng “Sabado Sa Sams” habang nag gogoodbye sa kanya. Malapit na kasi opening. Yan ang professionalism!
Dito ako nag goodbye sa immaturity ko. Ayaw ko kasing tumanda pero wala akong choice. Lalo pa mas immature sakin ang mga inaadvicesan ko.
Dito ako nag goodbye sa “Thanatophobia” ko or Fear of Death. Dahil sa Teatro Tomasino ang “kamatayan”ay punchline. Kaya mamaya maglalaro tayo ng “Leron Leron Sinta”. Kung kanino huminto ang pamaypay sya ang susunod. 
Dito ako nag goodbye sa katagang “Little Sisters”. Yan ang tawag ko sa mga baklang Teatro na mas bata sa akin. E obvious na daw na matanda na ako kaya ngayon mga anak ko na sila. Pasok Mama Sweet!
Dito ako nag goodbye sa mga napakahuhusay na student members and officers na ngayon ay mga Alumni Members na at successful sa kani-kanilang work as a professional adult. I am extremely proud of them. Baka naman.
Dito ako nag goodbye sa “High blood”, “Sigaw”, “Talak”, “Okray”… Dito din naman nagsimula so might as well dito ko na din tapusin. Wa epek din kasi ito sa mga student members at officers so wag na po tayo mag effort.
Dito ako nag goodbye sa insecurity at depression. Pag gumawa ka ng play at nakaexperience ka ng palakpak, tanggal ang insecurity mo at depression. Promise.
At dito ako maggogoodbye sa inyong lahat today, as your Professional Adviser for 23 years. This is my last Academic Year.
 
And lastly, sa wakas!
 
Sa wakas, nakamove-on na ko sa first love ko! Nagkaroon na nga ako ng 2nd, 3rd at 4th. 
Sa wakas natanggap ko na din at ng ibang Alumni Members ang katotohanan na Teatro Tomasino is a student org. We can only do so much. Advise, suggest, support, donate. Ganon talaga. Atleast “They’ll get back to us”..
Sa wakas, madami ng Student members at officers na naniniwala sa matagal ko ng sinasabi na, “4-5 years lang kayo student members/officers but forever kayong Alumni member”. Kaya wag na wag kayong maiinis sa amin dahil magiging ganito din kayo.
Sa wakas there is a clamour for Teatro Tomasino Alumni Association. 5 years ago na yan nabrought-up sa bahay ko. Pls ituloy natin! 
Sa wakas maliban sa showbizness, may iba pang napapasokan ang mga mahuhusay na Teatro Tomasino members after graduating. They are now in the field of advertising & events. Thanks to Franny Omampo, JM Gertes, Mark Mallari, Lendro Enore & Chi de Jesus na mga Mayora sa kanikanilang kumpanya!
Sa wakas there are Teatro Tomasino members who are now part of Professional Theater Guilds. Pls balik kayo sa Teatro to do workshops. You are more than welcome. 
Sa wakas nakahanap na ako ng kapalit ko bilang Professional Adviser ng Teatro Tomasino. Hindi naman ako pinapalitan, so ako na po ang pumili. Sa mga Thunders, pls meet Franny Omampo. Former Artistic Director and our new Professional Adviser. Hopefully for the next 23 years din. 
Sa wakas nagkita-kita tayo ulet. Aminin namiss natin ang isat-isa. Sa mga nais magbalik loob sa Teatro. Tumulong, magdirek, umarte, matrain, mag donate at iba pa. Magsabi lang po kayo.
Sa wakas umabot tayo ng 40 years. Isang taon lang ang lamang ng Dulaang UP sa atin so sana dumating ang araw na isang level lang ang lamang nila when it comes to our Productions. Atleast kahit anong musical ang gawing ng Mediatrix e lamang na lamang naman tayo sa kanila. Pero wag maging kampante. Like, Teatro Tomasino nagbabalikan ang kanilang mga Alumni Members at sagana sa workshops ang mga student members nila.
Sa wakas bayad na ako sa utang na loob ko sayo Teatro Tomasino.. In fairness may sukli pa ako. Dont worry hindi naman ako nakikipag break sayo. Nandito lang ako.
 
Sa wakas natapos ko din ang speech ko at napaabot ko ng sampung “first times”,  sampung“Realizations”, sampung “Goodbyes” at sampung “Sa Wakas” for a total of 40. 
 
Happy 40th Anniversary Teatro Tomasino!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.